Funeral & sympathy flower delivery

Serving Metro Manila & nearby areas

Bulaklak ng Patay

Maayos at magalang na bulaklak ng patay para sa lamay at libing sa Metro Manila. Same-day delivery available.

  • Same-day delivery sa buong Metro Manila
  • Mga florist na bihasa sa funeral arrangements
  • Para sa burol, libing, at memorial services

Same-day Availability

Trusted funeral florists

Suited for wakes, funerals & memorials

Mga Bulaklak ng Patay

May iba’t ibang klase ng bulaklak ng patay na ipinapadala sa lamay at libing. Pumili ng arrangement na bagay sa lugar ng wake at sa iyong relasyon sa namatay.

Korona ng Patay

Get in touch with us for same-day delivery orders or any other assistance.

Bulaklak para sa Kabaong

Basket na Bulaklak

Bakit Kami ang Piliin?

Bulaklak ng patay lang ang aming serbisyo — kaya nasisiguro namin na bawat arrangement ay maayos, magalang, at on-time ang delivery. Simple lang ang proseso, transparent, at handa kaming tumulong sa mahihirap na sandali.

Maingat na Inihanda

Bawat arrangement ay inihahanda ng aming florist nang may paggalang at malasakit.

Suporta Kapag Kailangan

Pwede ninyo kaming i-message sa Viber, text, email, Facebook, o Instagram.

Madaling Mag-order

Magbayad gamit ang debit card, bank transfer, o GCash.

Ano ang Tawag sa Bulaklak ng Patay sa English?

Sa English, ang bulaklak ng patay ay tinatawag na funeral flowers o sympathy flowers. Ang korona ng patay ay funeral wreath o standing spray. Ang bulaklak na inilalagay sa kabaong ay casket spray o coffin spray.

Ang mga pinakakaraniwang bulaklak na ginagamit sa funeral sa Pilipinas ay puting lilies, chrysanthemums (mums), orchids, anthuriums, at roses. Ang puti ang dominant na kulay dahil ito ay sumisimbolo ng kapayapaan, dalisay, at paggalang. Para sa mas detalyadong gabay sa bawat klase ng bulaklak at kanilang kahulugan, basahin ang aming traditional Filipino funeral flowers and their meanings.

Saan Magagamit ang Bulaklak ng Patay?

Naghahatid kami sa mga karaniwang lugar ng wake sa Metro Manila:

  • Burol sa bahay — direktang sa address ng pamilya
  • Funeral homes at chapels — kasama ang St. Peter Chapels, Arlington Memorial Chapels, Loyola Memorial Chapels, La Funeraria Paz, at Sanctuarium
  • Simbahan — para sa funeral mass at memorial service
  • Memorial parks — para sa libing o interment
  • Office o opisina — bilang sympathy sa kasamahan sa trabaho

May delivery kami sa Quezon CityMakatiParañaqueTaguigPasigMarikinaLas Piñas, at iba pang lugar sa Metro Manila. Tingnan ang buong listahan ng aming serbisyo, o makipag-ugnayan sa amin para makumpirma ang availability.

Mga Madalas na Tanong

Magkano ang bulaklak ng patay?

Nagsisimula sa ₱2,250 ang aming mga arrangements. Ang basket flowers at maliit na sympathy arrangements ang pinakamura, habang ang malalaking standing wreath at full casket spray ay nasa ₱8,000 hanggang ₱20,000+ depende sa laki at klase ng bulaklak.

Oo. Karamihan ng orders sa Metro Manila ay nadedeliver within 3-5 hours, depende sa traffic at lokasyon. Para sa urgent orders, message-an niyo kami para mas mabilis ma-confirm ang availability.

Para sa malapit na pamilya, ang casket spray o malaking standing wreath ang madalas pinipili. Para sa kaibigan, kasamahan, o extended family, sapat na ang standing spray, wreath, o sympathy basket. Ang puting bulaklak ang traditional na pinipili, pero pwede ring may konting kulay tulad ng pink, red, o yellow depende sa preference ng pamilya.

Sa buong Metro Manila — Quezon City, Makati, Manila, Pasig, Taguig, Parañaque, Las Piñas, Marikina, Mandaluyong, at San Juan. May delivery din kami sa mga karatig-lugar tulad ng Cavite at Bulacan, subject sa confirmation.

Oo. Pwede kayong magdagdag ng personalized message sa ribbon, banner, o sympathy card. Kung hindi sigurado kung ano ang isusulat, may guide kami sa mga funeral flower messages na pwedeng magamit.

Papalitan namin ito ng katumbas na bulaklak ng parehas na value, habang pinapanatili ang overall style at kulay ng arrangement.

Handled with care

Appropriate for sensitive occasions

Venue-aware delivery

Clear instructions followed carefully

Photo confirmation

For accuracy and peace of mind

Details confirmed

No surprises on the day